WAHEEHEE

Friday, November 2, 2012

WAHEEHEE #003

BRACELET NI TIANG
BF sees GF holding a bracelet…
BF: Wow, bago yan, a. Sino may bigay?
GF: Hindi akin ito, sa auntie ko ito. Naiwan niya.
BF: Sinong auntie mo, yung mataba?
GF: Obvious ba?
BF: Obvious nga, ang laki ng bracelet na yan eh.
GF: Anong bracelet? Sinsing ni Auntie ito, noh!

BOOBY TRAPS NG MGA TIONG
JOJO: Pare ko, bilib ako sa Tiyo ko, siguro mga 100 boobs na ang nahawakan niya.
NICK: Bakit, saan ba siya nagtatrabaho?
JOJO: Manager kasi ng beerhouse iyon eh.
NICK: Mas magaling ang Tiyo ko, nakakahawak siya ng 50 boobs araw-araw, iba-iba pa ha?
JOJO: Bakit, doktor ba siya?
NICK: Hindi.
JOJO: Eh ano ba ang trabaho niya?
NICK: Cow-milker sa Dairy Plant!

* * *

JOJO: Bilib ako sa Tiyo ko, sobrang pagka-santo. Biruin mo, noong nabubuhay pa siya, isang boobs lang ang nahawakan niya, boobs ng asawa niya.
NICK: Mas santo ang Tiyo ko, noong nabubuhay pa siya, isang boobs lang ang nahawakan niya.
JOJO: Gaya-gaya ka naman eh.
NICK: Pero binata ang Tiyo ko hanggang mamatay.
JOJO: Eh hindi siya santo, nakahawak siya ng boobs pero wala naman siyang asawa.
NICK: Bakit, boobs ng nanay niya. Breast-fed kasi siya!
* Breast milk is best for babies

HINDI AKO BAKLA
JAMES: Pare, nagkabanggaan raw kayo kahapon ni Jasper?
JOHN: Oo, Pare. Tinawag niya kasi akong bakla.
JAMES: Tinawag kang bading? Sana sinapak mo.
JOHN: Ganun na nga. Sasapakin ko na talaga kaya lang bigla kong naalala yung…
JAMES: Alin?
JOHN: Yung mga kamay ko, bagong manicure nga pala.

Guess kung sila ay mga: A)Babae B) Binabae C) Lalake

COMIC SCRIPT: LAWAY
Scene 1: Hapon, sa loob ng isang bus. Nakaupo sa tabi ng bintana si Gardo (25), may bigote, katabi niya si Leandro (25), mataba at nakasalamin.

GARDO: Basta, ganito lang Leandro, ‘pag pangit, usog ka rito sa tabi ko pero ‘pag beauty, ipitin natin sa gitna.
LEANDRO: (Malakas na tawa) Sige, call.

Hihinto ang bus at aakyat si Patrice (20), sexy at naka-sleeveless na shirt. Uupo si Patrice sa gitna ni Gardo at Leandro. May tutunog na cellphone.

GARDO: Leandro, sa iyo ba ‘yung tumutunog?
LEANDRO: Aba, hindi ko dinadala ang cellphone ko, ang laki kasi at pati baterya ang laki rin, kasing-laki ng baterya ng motorsiklo.

Magkakatawan ang 2 lalake, mapapatingin si Patrice sa braso niya.

PATRICE: (Kay Gardo) Oy, mama, ano ba naman ang laway n’yo nag-eexcursion!
GARDO: Buti nang nag-eexcursion, Miss, para malibang kesa naman mapanis.

Mas malakas ang tawanan ng 2 lalake. Sisimangot si Patrice, diretso ang tingin.

Scene 2: Hapon pa rin at sa loob pa rin ng bus, dating puwesto pa rin sina Gardo at Leandro na panay ang tawanan at si Patrice ay nakahalukipkip at nakasimangot.

LEANDRO: Sabi nu’ng babae, ma-beauty, sagot ko naman ma-bote!
Malakas ang tawanan ng 2 lalake. Mapapatingin si Patrice sa shirt niya.
PATRICE: (Kay Gardo) Hoy, mama...
GARDO: O, ano, laway ko na naman? Sabing bayaan nating mag-excursion para malibang!
PATRICE: Excursion kung excursion kaso nagma-mounting climbing na eh.

Close up sa dibdib ni Patrice - ang laway sa bandang kaliwang dibdib.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home