WAHEEHEE

Friday, November 16, 2012

WAHEEHEE #005

MGA Q/A NA EWAN
Q: Ano ang tawag sa isang mestiso na naging negro?
A: DATI PUTI

Q: Ano ang tawag sa isang bakla na naging lalakeng muli?
A: Ano pa eh di BOY AGAIN.

MONGOLOID
Wag raw gagamitin ang word na Mongoloid dahil it is politically incorrect. Aba eh napansin nyo ba na puro keyboard na ang gamit ng mga tao? At bihira na ang gumagamit ng ball pen? At lalong kokonti na ang mga Mongoloids? Yan ang mga taong gumagamit ng pencil na Mongol, noh!

RELIGION
A: Pare, ano nga pala ang religion mo?
B: Ah, Sabadista ako, Pare. Sa aming relihiyon kasi ay bawal ang magtrabaho kung araw ng Sabado kaya Sabadista ang tawag sa amin.
A: Sa amin namang relihiyon ay bawal ang magtrabaho kung araw ng Linggo kaya ang tawag sa amin ay Linguista!

Note: Eh pag araw-araw ang trabaho, anong relihiyon? Hindi kaya SADISTA?

COMIC SCRIPT: MUSIC-MINDED
Sa isang bus na malakas ang stereo. Isang pasahero ang nakapansin sa magkatabing babae at lalaki. Tuwing tutugtog ng sweet ay humihilig ang ulo ng natutulog na babae sa katabing lalaki.

Pagbaba ng lalaki ay dali-daling umupo si Kulokoy sa tabi ng inaantok na babae. At hindi siya nabigo dahil pagtugtog ng sweet ay humilig sa kanya ang babae kaya kinikilig si Kulokoy.

Pagkatapos ng unang tugtog ang sumunod ay medyo mabilis, soundtrack ng pelikulang Rocky. Biglang gumalaw ang kamay ng babae at pinagsusuntok si Kulokoy.

Passfort daw? Hindi ba puwedeng Fastport para mabilis?

Dr. Globo Del Mundo is the know-it-all when it comes to World information, whatever that is. He answers questions of his radio listeners.

CALLER: Magandang gabi po. Puwede po bang makausap si Dra. Margie Holmes?
DR. G: Aba, teka, wrong number kasi program ito ni Dr. Globo.
CALLER: Wala ho ba talaga dyan si Dra. Margie Holmes?
DR. G: Hmm, medyo makulit ka ha? Wala si Dra. Holmes pero yung anak niya narito. Gusto mong kausapin?
CALLER: Sinong hong anak?
DR. G: Si Camilla.
CALLER: Camilla? Camilla Holmes? Parang pamilyar, a.

FLASHBACK: THE DEER HUNTERS
Nasa kagubatan ang magkumpareng Mon at Ram. Ang kagubatan na iyun ay kilala sa dami ng baboy-ramo o wild boar. After one day ay nakahalata si Mon na siya lang ang nakakabaril ng baboy-ramo at si Ram ay wala pang score.

MON: Pare, baka malabo na ang mata mo kaya hindi ka makatama.
RAM: Naku, pare, dyan ka nagkakamali. Nakikita mo ba yung langgam sa itaas ng puno na yun?
MON: Ha? Anong langgam?
RAM: Ayun sa dulo ng punong kawayan. Bakla yung langgam na yun, Pare. Kasi obvious sa paglakad niya, ayan, o, kumekendeng.

Napailing si Mon dahil obvious na iniiba ni Ram ang usapan.

MON: Sa totoo lang, Pareng Ram, wala ka pang nababaril na baboy-ramo.
RAM: Sige na nga, aaminin ko na. Baka dahil bago itong baril ko?

Dinampot ni Mon ang baril ni Ram at sinuriā€¦

MON: Alam ko na ang problema. Itong baril mo ang may diperensya.
RAM: Bakit, anong problema dyan sa aking new gun?
MON: Eto, tingnan mo, ang linaw ng nakasulat, o. USA. Malinaw na para sa usa lang itong baril mo at malamang na hindi puwede sa baboy-ramo.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home