WAHEEHEE

Saturday, November 24, 2012

WAHEEHEE 006

HEADLINES
Electrician, nakuryente. Buti na lang hindi namatay.

Tubero, nalunod sa poso negro. Buti na lang hindi namatay.

Sastre nagupit ang daliri. Buti na lang hindi namatay.

Doktor, nagkasakit. Buti na lang hindi namatay.

Bumbero, nasunog. Buti na lang hindi namatay.

Acrobat, nalaglag sa sahig. Buti na lang hindi namatay.

Witch, nakulam. Patay… ang nangkulam sa kanya.

MGA CEL
Q: Ano ang celphone na gamit ng isda?
A: SHELL PHONE
Q: Eh yung gamit ng mga dolphin at pating?
A: SEAL PHONE

Q: Anong celphone ang paborito ng mga Bicolano?
A: SILI PHONE yun.
Q: Eh teka, hindi ba’t ang sili phone ay….
A: SILLY PHONE naman yung gamit mo!

Q: Eto madali lang. Anong celphone ang gamit ng salesman?
A: Eh di SELL PHONE

Q: Eh yung kinaiinisan pag tag-ulan?
A: Oy, sipon yun noh!

The latest trending.... JUSTIN BIBE

MGA PAYONG UMBRELLA
Sagot sa nagrereklamo na tinutukso siyang duling – “Eh duling ka naman talaga, di ba?”

Sagot sa nagrereklamong tinutukso siyang ngongo – “Ma-it aman? Mali ma ngo?”

Sagot sa nagrereklamong nasasaktan siya pag tinawag na pangit – “at least honest ka, alam mong pangit ka.”

Sagot sa nagrereklamo na ayaw niyang tawagin siyang mataba – “Just imagine na para kang tinapay. Hindi monay at hindi rin ensaymada. Basta isipin mo na ikaw ay isang putok.”

Sagot kapag sinabihan kang malabo ang mata mo – “Ok lang malabo ang mata kesa naman malabo ang buhok.”

Dr. Globo Del Mundo is the know-it-all when it comes to World information, whatever that is. He answers questions from his radio listeners.

LOCAL HEROES FROM DR. GLOBO
Caller: Mayroon po bang anak si Andres Bonifacio?
Dr. G: Aba, meron. Katunayan may anak nga ang anak niya at nagkaanak din ang anak ng anak niya. Ang pangalan ng anak ni Bonifacio ay Junior. Ang anak ni Junior na apo ni Bonifacio ay pinangalanang The Third. Ang anak naman ni The Third na apo sa tuhod ni Bonifacio ay si The Fourth.
Caller: The Fourth Bonifacio? Parang pamilyar ang tunog, a.

Dr. G: Speaking of Fort Bonifacio, alam mo ba kung bakit maraming bata sa paligid ng Fort Bonifacio?
Caller: Eh bakit nga po?
Dr. G: Nasa Bibliya yan. Ang sabi ay “Go FORT and multiply!”

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home