WAHEEHEE

Monday, December 17, 2012

WAHEEHEE 009 MMFF edition

2012 MMFF (Metro Manila Film Festival) opens on Dec. 25
The entries are…
1. Shake, Rattle and Roll – bawal manood ang may sakit sa puso
2. The Strangers – bawal manood ang walang kasama, baka atakihin sa puso
3. Sisterakas – bawal manood ang bagong kain dahil baka ma-indigestion
4. Si Agimat, Si Enteng, Si Ako – bawal manood ang hindi bata
5. El Presidente – bawal manood ang hindi pumasa sa Philippine history subject
6. Thy Womb – bawal manood ang mga hindi Noranians
7. Sossy Problems – bawal manood ang masungit
8. One More Try – bawal manood ang walang ticket

FLASHBACK:
Noong araw ay double program ang palabas sa sinehan. That’s around 4 hours of watching. At kahit anong oras ay puwede kang pumasok at kahit anong oras din ay puwede kang lumabas. Kapag nagutom ay bumili lang sa vendor na naglilibot sa loob ng sinehan, “Ay, mani, mani, popcorn, pepsi.”

At kapag nagloko ang projector at nawala ang palabas, ito ang maririnig mong sigaw ng mga tao, “Hooo, soli bayad, soli bayad.” Try mo kayang sumigaw ng ganyan ngayon?

COMIC SCRIPT: INSIDE THE THEATER
Galing ng CR si Badong. Pagbalik niya sa upuan ay hinawakan niya ang kamay ng katabi niya. Iniwas ng babae ang kamay.

BADONG: Oh, galit ka pa ba?
BABAE: Hindi.
BADONG: Eh bakit ayaw mong magholding hands tayo?
BABAE: Eh kasi hindi naman ako ang ka-date mo, noh! Dun ka sa likuran nakaupo, ayun, doon!

Napahiya man ay pasimpleng lumipat ng row si Badong at nakatabi na nga ang kanyang ka-date. Katulad kanina ay hinawakan ni Badong ang kamay ng babae. At katulad rin kanina ay umiwas ang kamay ng babae.
BADONG: Oh, galit ka pa ba?
BABAE: Hindi.
BADONG: Eh bakit ayaw mong magholding hands tayo?
BABAE: Eh kasi galing ka ng CR. Hindi ka man lang naghugas ng kamay!

At narito ang mga official posters of the entries for the MMFF (Metro Movies For Fun)…















0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home