WAHEEHEE

Sunday, January 6, 2013

WAHEEHEE 011

MGA HEADLINES
- Tumalon sa 5th floor. Buti hindi namatay. Kasi tumalon lang, hindi naman nahulog.
- Tinamaan ng baril. Buti hindi namatay. Eh kasi baril ang tumama, hindi naman bala.
- Street sweeper na napagkamalang witch… namalo ng walis tingting.
- Isang bading na nakipag-away… napasubo.
- Isang lasenggo… nalasing.

MGA Q/A NA EWAN
Q: Sino ang nakaimbento ng telepono?
A: Si Alexander Graham Bell.
Q: Sino naman ang nakaimbento ng unang telepono ng mga aso?
A: Si Alexander Greyhound Bell.

Q: Ano ang sasakyan ng mga bobo?
A: Dumb truck.

Q: Anong dessert ang hindi puwedeng kainin mag-isa?
A: Sharebet.

Q: Anong Chinese food ang hindi naman talaga Chinese?
A: Peking Duck (peke kasi).

Q: Anong litson manok ang pinakamabili, yung kay Andok o yung sa Baliwag?
A: Yung litsong manok ni Andok.
Q: Bakit?
A: Sabi kasi BALI… WAG daw. Sagot naman dyan ay AND… OK kaya yung ok ang bibilhin ng mga tao.

Q: Ano ang tawag sa isang bading na naging macho ulit?
A: Eh di Boy Again.

Q: Paano mamalimos ang pulubi na walang kamay?
A: Eh di “PAAlimos po!”

TANONG NA WALANG SAGOT
Kung may kotseng kulay na dirty white eh bakit walang kotse na ang kulay ay Dirty black?

Saan daw ang biyahe niya? QUIAPO to TATAY? Wala bang NANAY?

COMIC SCRIPT: GAS STATION
In AIR pump of a gas station. Isang kotse ang huminto at bumaba ang driver. Naka-ready na agad ang attendant.

ATTENDANT: Sir, magpapahangin ho ba kayo?
LALAKE: Sige, asan ba ang electric fan nyo?

Napangiwi si Attendant. Magsi-CR lang pala ang lalake. Maya-maya ay eto naman ang isang SUV at bumaba ang isang matabang babae.

ATTENDANT: Ma’am, magpapabomba ho ba kayo?
TABA: Niloloko mo ba ako? Kita mo nang ang taba-taba ko eh bobombahin mo pa ko.

Napangiwi ulit si Attendant. Hindi nagtagal at pumarada ang isang magandang kotse at bumaba ang isang magandang babae.

ATTENDANT: Eh, Miss, magpapabomba ho ba kayo?
MISS: Ano? Hindi ako bomba star, ha?

Mahirap palang trabaho ang gas station attendant.

FLASHBACK: EGGPIE AT HAMBURGER
Dahil sa suwerte ay nakarating ng Amerika si Badong. Dahil hindi marunong ng English kaya nagpaturo muna siya sa kaibigan bago umalis ng Pilipinas. At nang mahaba na ang nailistang English ay go na siya sa Amerika.

Unang pasok ni Badong sa restaurant ay nagmamadaling umorder. “Eggpie!” medyo malakas ang boses ni Badong. Tumango ang waiter bago umalis. Pormang mayabang naman si Badong dahil kahit paano ay successful siyang naka-order.

Pagdating ng hapunan ay sa ibang restaurant naman pumasok si Badong. Ganun din ang eksena. “Eggpie!” medyo malakas ang boses at may konting yabang.

Kinabukasan ay nag-iisip si Badong. Nawala kasi ang listahan niya at hindi niya maalala ang isa pang pagkain na bilin ng kaibigan niya. And so nagtiyaga sa eggpie si Badong. At least hindi naman siya nagugutom.

Paglipas ng ilang araw ay hindi na maganda ang pakiramdam ni Badong. Dahil puro eggpie ang kinakain kaya lagi siya sa CR. Pagdating ng gabi ay hindi na makatulog si Badong dahil masama na ang timplada ng tiyan niya. Kaya naisip niya na kung eggpie pa rin ang kakainin niya ay baka magkasakit na siya talaga.

Paglabas sa CR ay nahiga sa kama si Badong at saka nagdasal. Biglang pumasok sa isipan niya ang hamburger. Napangiti si Badong. Dali-dali siyang nagbihis at tumakbo papuntang restaurant. Halos pasara na ang restaurant at inaantok na ang waiter pero pinagbigyan pa rin si Badong.

BADONG: Hamburger!
WAITER: Special or regular?
BADONG: Hamburger!
WAITER: Special or regular?
BADONG: Hamburger!
WAITER: I’m asking you, man. Special or regular?
BADONG: Hamburger!
WAITER: (bad trip na kaya dinuro si Badong) Special or regular?
BADONG: Eggpie… (dahan-dahang yumuko)

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home