WAHEEHEE

Tuesday, March 26, 2013

WAHEEHEE 016 - Holy Week 2013

Q: Ano ang kaibahan ng theater sa Ash Wednesday?
A: Sa theater ay may USHER samantalang sa Ash Wednesday naman ay may ASHER.

PASYON SA FB
Nang si Hudas ay mag-FB
Ang friends nya ay biglang dami
May sa gitna, may sa tabi
Naghihintay na umanggi
Ng silver coins na nasubi

Si Hestas na isang beki
Nakipag-chat dagli-dagli
At ang kanyang tinatangi
Si Caiaphas na maigsi
Four eleven ang height ngani.

Panay ang post ni Barabas
Ng picture nila ni Dimas
Natutuwa mga chikas
Sa kubikong nilang balbas
May muta pang naninigas.

Si Herodes umeekstra
Kay Pilato nangunguna
Obvious namang bading din sya
Kulot na hair, kitang-kita
May eyeliner pa ang mata.

Siyempre si Hudas ang bida
Kaya picture may post din siya
At shocking dahil nagbold pa
Naka-brief lang sa may kama
Walang nag-like kahit isa.

Sa jokes naman siya bumawi
Tanong kung sino ang pogi
Daming nag-like, daming ngiti
Sa picture ng feeling pogi
Dahil si Hudas ay bungi.

Ang silver coins na nakuha
Sa Lhuiller niya dinala
Diretso na sa dentista
Nagpagawa, alam mo na
Dyan natapos ang istorya.


Noon pa naimbento ang parasol a.k.a. payong a.k.a. umbrella

PASYON SA ELECTION
Sa dami ng kandidato
Mga tao’y nalilito
Kung sino ang iboboto
Para sa ating senado
Eto ang libreng payo ko.

Si Nancy ay hindi Hudas
Mestisa lang na humulas
Si Cynthia ang syang nadulas
Sa tanong na tungkol sa nurse
Pero sa survey tumaas.

Si Hontiveros bad shot daw
Sa team buhay magugunaw
Si Jack naman araw-araw
Sa session hall natutunaw
Dahil hindi na lumitaw.

Mabuti pa si Legarda
Tahimik lang nagbuburda
Environment ang linyada
Si Gringo ay limot ko na
Si Honasan, sino ba siya?

Si Trillanes ang tigasin
Manila Pen ang kubkubin
Si JV ay artistahin
Si Grace Poe ay ganun na rin
Parehong showbiz nanggaling.

Si Flash Gordon humahabol
Sa latest na election poll
Si Angara nasasapol
Ng team patay na ginahol
Sa Bacolod ng Bishop do’n.

Bobotante ang wika ko
Sa basta lang na boboto
Sikat lang na kandidato
Ang minamarkahan ninyo
Kaya bayan natatalo.

PASYON HALO-HALO
Sa Sabah ay nagsilusob
Kapagdaka ay nasubsob
At ceasefire ang inihandog
Na dinedma nitong bulldog
Ayaw nila ng mausog.

Kawawa nga itong si Chiz
Ang bida sa mga chismis
Ang binibyenan nainis
Sa good manners siya raw ay wiz
Porke’t amoy chicong panis.

Hindi baga nangunguna
Sa survey nitong Pulse Asia
Kaya si Chiz tinitira
Para abutan pa siya
Ng kalabang pumoporma.

Si Kris naman umeksena
May luha sa pag-cry cry nya.
Pagre-resign naging tema
Akala namin totoo na
Pa cry lang pala talaga.

Si James Yap ay kawawa rin
Kontrabida kanyang dating
Sa kanyang ex na iyakin
Meron ngang pa cry cry mandin
Adoption papers nang hingin.

Nang hindi nga pinagbigyan
Kaya nag-giyera mundial
Buti’t nandyan si Kapunan
Ang attorney nating bayan
Hindi iyakin, matapang.

Payong umbrella sa lahat
Mag-isip bago bumanat
Aregluhin bawat eklat
Iwasan ang maka-konyat
Para happy tayong halat.

1 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home