WAHEEHEE

Monday, January 21, 2013

WAHEEHEE 012

BIBLICAL CELLPHONES
RAM: Biblical pala ang mga cell phone na yan.
MAR: Anong Biblical?
RAM: Nasa Bible.
MAR: Weh, di nga?
RAM: Yung i-phone hindi ba’t apple yun?
MAR: Oo, apple nga pero paano naging Biblical?
RAM: Eh di ba’t yung mansanas ang kinain ni Eba sa paraiso?
MAR: Huh. Eh yung Samsung naman, paano napunta sa Bible?
RAM: Nasa Bible yun… Samsung and Delilah, di ba?

WALA LANG
Noong isang araw ay nasa mall ako at nakita ko ang isang babae na nagsasalita ng mag-isa. Sabi ng babae, “Mag-isa, mag-isa, mag-isa, mag-isa….”

MGA KAISDAAN
Q: Ano ang social networking site ng mga isda?
A: FISHBOOK.

Q: Ano ang delikadong lugar para sa mga hipon?
A: Accident Prawn Area.

Q: Bakit nagkakaroon ng low tide sa dagat?
A: Ininom ng mga isda ang tubig sa dagat.
Q: Eh bakit may high tide sa dagat?
A: Daming wiwi ng mga isda.

Q: Ano ang karpintero ng mga isda?
A: Syempre hammerhead.
Q: Ano naman ang athlete ng mga isda?
A: Eh di swordfish.
Q: Eh yung mga bading na isda?
A: Yan ang sward fish.

Dito mo dadalhin ang iyong isda para ma-foot massage.... kung may paa ang isda mo!

MGA ALAMAT NA MAY LAMAT
LAPU-LAPU. Isang araw ay nakahuli ng malaking isda ang isang mangingisda. Pag-uwi niya sa bahay ay iniabot niya sa asawa niya para linisin at lutuin. Tinanong siya ng babae kung anong isda ang nahuli niya. Ewan, ang sagot ng mangingisda. Sabi ng babae ay kulay pula at malaki. Ano naman kaya ang tawag doon? Sa inis ng mangingisda ay sinabi niyang, “Pula eh di lapu.”

Ayun, lapu raw. At kaya naging lapu-lapu dahil ginulpi ng babae ang mangingisda sabay turo sa isda at sa mangingisda, “Lapu…. Lapu.” Pareho kasing kulay pula ang isda at ang mangingisda.

COMIC SCRIPT: KA-TXTMATE NI BADONG
Nagkasundo na magkita si Badong at ang textmate niyang si Panyang. Ang usapan ay ganito: Red ang isusuot ni Panyang at si Badong naman ay blue. Sa Starbucks ang kanilang meeting place.

Naunang dumating si Badong. Pero taliwas sa usapan, imbes na blue ay puti ang isinuot na polo ni Badong. Gusto muna niyang makita ang hitsura ni Panyang. Baka naman kasi pangit.

At eto na nga ang isang babaeng ubod ng pangit na naka-red. Baka si Panyang? Palinga-linga ang babae. Baka nga si Panyang. Nakatungo lang si Badong. Lumapit si Panyang kay Badong. Lalong tumungo si Badong. Kinalabit ni Panyang si Badong kaya no choice na si Badong.
PANYANG: Eh, puwedeng magtanong?
BADONG: Yes?
PANYANG: Ikaw ba si Badong na ka-text mate ko?
BADONG: Hello! Naka-blue ba ako? Kita mong white ang suot ko noh!

COMIC SCRIPT: KA-TXTMATE NI BADONG PART 2
Kahit paano ay nagkakilala si Panyang at Badong. Pero syempre iniba ni Badong ang name niya. At syempre may konting kuwentuhan. At pag may kuwentuhan ay meron ding kayabangan.

BADONG: Alam mo, sa bayan namin ay yung pamilya namin ang pinakamayaman.
PANYANG: Talaga? Eh bakit pumunta ka pa rito sa Maynila para maging taong grasa?
BADONG: Taong grasa? Eh mas mukhang taong grasa ka kesa sa akin noh!
PANYANG: Hoy, hindi mo ba alam na lahi kami ng magaganda?
BADONG: At hindi mo ba alam na ampon ka lang?

COMIC SCRIPT: KA-TXTMATE NI BADONG PART 3
After a short while ay naghiwalay na rin ang bagong magkakilala.

PANYANG: Sige, Elvis, ingat ka sa mga pulis ha?
BADONG: Ingat ka rin, Panyang. Alam mo namang delikado ang panahon. Pati pangit nire-rape na ngayon.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home