WAHEEHEE

Friday, February 8, 2013

WAHEEHEE 013 - VALENTINE EDITION

VALENTINE SONG
Hindi baga maraming puso sa sagingan?
May puso ng saging at puso-pusuan.
Mayroong saba at meron ding latundan
Ngunit ang puson mo ang gusto kong tikman.

VALENTINE GIFTS
Ang pinakamabili…. Panty that eliminates odor
Ang isa pang pinakamabili…. Edible panty
Ang talagang gusto pag Valentine…. Walang panty

MGA ANAK NG KUWAN
Q: Ano ang tawag pag ang buntis ay 4 ang inanak?
A: Quadruplet.
Q: Ano ang tawag pag ang buntis ay 3 ang inanak?
A: Triplet.
Q: Eh kung 2 ang inanak?
A: Twoplet.

PS. Ang tawag ng mga komadrona kapag ang buntis at 2 ang anak…. maluwal-HATI.

TSINELAS O SINELAS
ANAK: Asan ba yung sinelas ko?
INA: Oy, anong sinelas? Tsinelas!
ANAK: Tsinelas.
INA: Ayan, ganyan para hindi ka bulol.
ANAK: Ayun pala sa ilalim ng tsopa ang tsinelas ko. Eh atsan naman kaya yung tsapatos ko? Yung tsapatos ko ang gusto kong itsuot eh.

MGA LABEL NG SASAKYAN
Soldier Of FURTUNE – jeepney NXY-121 in Ortigas Ave.
SUVINER – mini-truck BVR-783 in EDSA
EXTINCT taxi TWM-632 (bakit kaya Extinct ang name?)
GOD WILL ALWAYS SURVIVE – jeepney TYG-715
BARELEY HERE – taxi pwb 119 (Ortigas, Valle Verde)

MGA LOLO SA PAGKAIN
A: Yung lolo ko ang lakas kumain, kulang ang 5 plato.
B: Mas malakas kumain ang lolo ko, 10 plato.
C: Matindi ang lolo ko sa kainan, halos walang tigil sa pagkain.
A: Eh anong nangyari?
C: Ayun, namatay sa gutom.
B: Walang tigil ng kain ang lolo mo tapos namatay sa gutom?
C: Yung pamilya niya ang namatay sa gutom, inubos na kasi ng lolo ko ang pagkain.
Ang gusto ng babae ay ganitong kalaki ang puso ng kanyang boyfriend at ang gusto naman ng lalake ay ganyang kalaki ang ano.... ang pagmamahal sa kanya ng kanyang girlfriend

MGA LOLO SA SIGARILYO
A: Yung isang lolo ko ang lakas magsigarilyo, kulang ang 2 kaha.
B: Mas malakas magsigarilyo ang isa kong lolo, kulang ang 5 kaha sa maghapon.
C: Matindi sa sigarilyo ang isa kong lolo, walang hinto as in walang tigil.
A: Eh anong nangyari?
C: Ayun, namatay.
B: Dapat lang, namatay sa sakit?
C: Namatay sa gutom.
A: Puro sigarilyo kasi, wala nang kain.
C: Hindi, namatay sa gutom ang pamilya kasi hindi na makapagtrabaho, puro sigarilyo

PANGINGINIG NI LOLO
Nag-uusap ang 2 apo ni Andoy at Azon
APO 1: Nakita mo ba si Lola Azon? Nanginginig dahil sa rayuma.
APO 2: Si Lolo Andoy rin nanginginig.
APO 1: May rayuma rin si Lolo Andoy?
APO 2: Hindi rayuma. Nanginginig si Lolo Andoy kasi minamasdan si Inday na manipis ang suot habang nagwawalis sa backyard.

COMIC SCRIPT: BADONG AT PANYANG
PANYANG: Bakit kaya ganun? Dati karamihan ng boys mga pogi. Ngayon pag pogi bading naman.
BADONG: Bakit, ako? Hindi naman ako bading, a.
PANYANG: Hindi ka nga bading kaso hindi ka naman pogi noh!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home