WAHEEHEE

Friday, May 10, 2013

WAHEEHEE 017 – Election Edition

SURE WINNER SI ISKO
RAM: Sigurado na raw ang panalo ni Isko.
MAR: Aba, delikado siya kay Lou Veloso.
RAM: Eh sabi sa radyo sure winner na raw si Isko.
MAR: Ang kulit mo, sabing mahigpit ang laban ni Isko Moreno at Lou Veloso sa vice mayor ng Manila.
RAM: Ikaw ang makulit noh! Sabi sa radyo sure winner na si Isko Dero for senator.
MAR: Isko Dero? Si Chiz pala, huh.

ANG PANGULONG MALABO…. BOW
Ang ating pangulo ay totoong malabo
Dahil mga mata niya ay dati nang malabo
Ang kanyang buhok matindi ang paglabo
Kaya ang lovelife niya syempre ay malabo.

MGA Q/A SA ELECTIONS
Q: Bakit masaya ang pulitika?
A: Eh kasi maraming party.
Q: Bakit parang Pasko ang election?
A: Eh kasi maraming namimigay ng pera.

Q: Bakit LP ang katapat ng UNA?
A: UNA syempre nauuna at LP syempre Leading Party.

Q: Bakit ikinampanya ni Kris si Bam?
A: Syempre pinsan niya yun.
Q: Eh bakit hindi niya ikinampanya si Tingting na auntie niya?
A: Kasi hindi marunong gumamit ng walis si Kris.
Vote for Provincial Board Member

MGA ELECTION BAKIT
A: Malamang na manalo si Rez sa kanyang pagtakbo bilang congressman ng 5th district ng Camarines Sur.
Q: Bakit?
A: Dahil ang alam ng tao ay tatay siya ni Anne Cortez.

A: Malamang na matalo si Herbert sa reelection niya bilang mayor ng QC.
Q: Bakit?
A: May nagkakalat kasi na siya si Hubert Bautista.

A: Malamang na manalo si Onemig Bondoc sa pagtakbo niya bilang congressman sa Bataan.
Q: Bakit?
A: May balita kasing namimigay si Onemig ng Sanmig.

A: Eh si Richard Gomez, may panalo raw bilang mayor ng Ormoc.
Q: Bakit?
A: Malaki ang panalo ni Goma kasi may mga bumabaligtad na kaya ang Goma nagiging Mago.

A: Mananalo raw si Koko Pimentel.
Q: Bakit?
A: Akala kasi ng mga botante ay siya si Koko Martin Pimentel.

A: May kumakalat na tsismis na hindi raw tunay na lalake si Alan Cayetano.
Q: Bakit?
A: Eh kasi ALAN PETER kaya wala siyang bird, di ba?

KA-CORNIHAN SA ELECTION
RAM: Bakit si Binay parang walang talo sa Makati, ano?
MAR: Eh uso kasi ang bingo sa Makati.
RAM: Ano naman ang kinalaman ng Bingo sa election ni Binay?
MAR: Pagbola kasi sa bingo…. sa letrang B…. nay. Ayun, Binay daw.
RAM: B-nine ginawang Binay, huh.

MAR: Saan namang bayan ang hindi nawawalan ng election?
RAM: Eh di sa BUTUHAN City.
MAR: Huh, Butuan yun.

EDITORIAL
Alam nyo bang ang purpose ng party list ay para sa kapakanan ng mga marginalized sector o yung mga grupong dehado sa buhay? Gaya ng mga drivers o magsasaka. At dahil sumobra na ang party list kaya ang iba ay naging PARTY-ALIS, tinanggal ng Comelec.

Hindi gaya noong araw na 2 lamang ang political party, ngayon ay multi-party na ang election sa Pilipinas. At kapag ang mga patay ay nakaboto? Nagiging multo-party na.

Kapag nagwagi ang UNA ay dapat parangalan si Jojo Binay. Anong parangal? Aba, siya ang Best Itim Leader ng isang political coalition.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home