WAHEEHEE

Saturday, December 14, 2013

WAHEEHEE 018 MMFF 2013 EDITION

Waheehee 018 MMFF 2013 edition

2013 MMFF (Metro Manila Film Festival) opens on Dec. 25
The official entries are…
1. My Little Bossings – truly pangbata pero puwede ring pangtaba
2. 10000 Hours – baka mainip kayo, masyadong mahaba ang oras
3. Kaleidoscope World – maganda raw sabi ni Elmo Magalona
4. Kimmy Dora Prequel – magdala ng panyo at baka mapaiyak sa katatawa
5. Pedro Calungsod – magdala ng rosario o kaya isama si Aling Rosario
6. Boy Golden – magsuot ng bullet proof vest dahil makatotohanan daw ang barilan
7. Girl Boy Bakla Tomboy – bawal manood ang normal
8. Pagpag – hindi puwedeng manood ng mag-isa dahil baka may tumabi sa iyo

Mga trivia ng 2013 Metro Manila Film Festival entries…
1. Si Ryzza Mae ay 8 years old at si Bimby naman ay 6 years old. Si Ryzza Mae ay mahusay sa acting at si Bimby naman ay 6 years old. Si Ryzza Mae ay malamang na manalo ng best child actress award at si Bimby naman ay 6 years old.
2. Ang last shooting day ng Boy Golden ay Dec. 13 – Biyernes Trese. Sana huwag namang malasin sa box office.
3. First in history – 4 ang gagampanang role ng title roler na si Vice Ganda. Hindi ko sinabing 4 rin ang paa niya.
4. Replacement lang si Sam Milby sa original choice na si Piolo as leading man ni Eugene Domingo. Mabuti naman at pumayag si Sam Milby sa kissing scene… hindi kay Piolo, ha? Kay Eugene.
5. Ang Pagpag ang karugtong ng traditional Shake, Rattle and Roll. Obvious ba na tinagalog lang ang dating title?
6. Totoo bang si Rocco Nacino na siyang gumanap ng Pedro Calungsod ay hindi Catholic? Baka matalisod yan sa box office.
7. Muling mabubuhay ang action films kapag kumita ang 10000 hours. Kaya lang baka 10,000 lang ang kitain nyan.
8. Bakit walang billing sa Kaleidoscope World? Secret daw.

Some facts about the 2013 Metro Manila Film Festival entries…
1. Ang mga entries ay dumaan sa masusing pagsusuri ng screening committee matapos mag-submit ng 10 copies ng script.
2. Si Jesse Ejercito ang vice chairman ng festival committee at ang chairman ay si MMDA chairman Francis Tolentino. Si Jesse ay kapatid ni Manila Mayor Erap.
3. Ang jurors o mga hurado na siyang pumipili ng winners ay may kasaling mga pangkaraniwang tao bukod sa ilang pillars ng movie industry.
4. Ang mga awardees gaya ng best actor o best picture atbp ay nakakatanggap ng monetary prize. May nakalaang 500,000 pesos para sa best float ng parada na idinadaos tuwing December 24.
5. Ang kikitain sa festival ay hinahati-hati sa mga beneficiaries na kinabibilangan ng Mowelfund, Film Academy, Motion Picture Anti-Piracy. Hindi lang malaman kung ano ang method na ginagamit sa partehan.

At narito naman ang mga official posters ng mga entries for the 2013 MMFF (Metro Movies For Fun)…















2 Comments:

  • good day po mr. Sonny. this is Smile Siervo of GMA 7. sir nabasa ko po kasi ynug post nyo about Susong kalabaw/ Susong dalaga fruit. nais po sana naming gawan ng story itong mga prutas na ito. itatanong ko lang po sana, tuwing tag-ulan lang po ba ito namumunga sir? sana po ay mabigyan nyo po ng oras na sagutin ang aking katanungan. salamat po! :)

    By Blogger Ronelie Siervo, At August 14, 2015 at 10:42 PM  

  • Mr. Siervo, nagbubunga ang Susong Dalagay all year round pero mas mabunga nga lang kapag rainy season.

    By Blogger SONNY G3, At August 15, 2015 at 12:24 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home