WAHEEHEE

Saturday, October 27, 2012

WAHEEHEE #002

MGA HALLO-HALLOWEEN
Anggal: Wala namang kabuhay-buhay yung ka-date ko kahapon.
Tik: Bakit walang kabuhay-buhay, sino ba yung ka-date mo?
Anggal: Si Pedrong Zombie.

Tsikang: Mahusay mag-English si Tiagong Tiyanak pero hindi natanggap sa call center.
Tsikong: Bakit? Discrimination daw ba?
Tsikang: Hindi naman discrimination. Eh paanong tatanggapin sa call center si Tiagong Tiyanak eh ngongo siya, noh!

Q: Sino ang mahusay na basketball player?
A: Si Kapre Corn.
Q: Sino pa?
A: Si Dwende ang guard… guard ng mga damit.

Kawawa naman si Pare ko, nagka-arthritis. Awang-awa talaga ako kay Pareng Kalansay.

Q: Sino ang mahusay na artista para gumanap ng dual role?
A: Sino pa eh di si Kantanod.

Can you guess who the real zombie is?

Dr. Globo Del Mundo is the know-it-all when it comes to World information, whatever that is. He answers questions of his radio listeners.

UNDAS
Caller: Bakit po ba tuwing Undas ay dumadalaw tayo sa puntod ng mga namatay?
Dr. G: Maigi na raw yung tayo ang dumadalaw sa mga patay kesa naman yung mga patay ang dadalaw sa atin.

ABOUT HORSES FROM DR. GLOBO
Caller: Ako po ay mahilig sa mga kabayo.
Dr G: Ganun ba? Well, pakinggan mo itong composition ko…
Di baga't maraming uri ng kabayo,
mayroong bisiro at kabayong tunay.
Meron ding kabayong silbi ay plantsahan
at mayrong sinasakyan kung gabi lamang.
Caller: Salamat po sa kanta. Eh pero ang hilig ko po ay kabayong pangarera.
Dr. G: Ah, alam ko na. Karerista ang tawag sa iyo, di ba? Pero kung pa-class ang dating ay aficionado.
Caller: Bakit po aficionado ang tawag?
Dr. G: Kasi ang mga aficionado ay madalas maubos ang pera kaya ayun, laging api masyado kaya aficionado. Buweno, ano ba talaga ang katanungan mo?
Caller: Saan po bang lugar ang may pinakamaraming kabayo?
Dr. G: Ang lugar na may pinakamaraming kabayo ay sa Amerika, doon sa Minnesota. Obvious naman, di ba? Many ang sota kaya siguradong many din ang kabayo.

The new i-Phone of Dr. Globo. Since it is not actually a smart phone then you can guess that i-phone means Imbecile Phone

ANG PINTO NG 7-11
Caller: Hindi po ba ang 7-11 convenience store ay bukas ng 24 hours 7 days a week pati holidays?
Dr. G: Tama. Ano ang problema mo?
Caller: Kasi po kung lagi silang nakabukas eh bakit may pinto pa ang mga 7-11? Dr. G: Importante rin ang pinto. Gamit yan sa security.
Caller: Anong security eh lagi nga pong nakabukas sila.
Dr. G: Hindi ka ba nanonood ng news sa TV? Pag may holdaper na pumasok sa 7-11 ay kusang sasara ang pinto at magla-lock pa. So kulong ang holdaper sa loob.

Friday, October 19, 2012

WAHEEHEE #001

Hello there. Here's the very first comic entry to this humorous blogsite. However, non-Filipinos should read at your own risk.

THE MISCHIEVOUS BROTHER
The new mother loses consciousness while giving birth. When she wakes up, she asks what happened. The doctor says, “you have given birth to twins, a male and a female. By the way, your brother arrived and did the birth registration.”

The new mother is stunned, “Naku, alam ko na yan. Ang pinangalan niya sa anak kong babae ay Denise tapos sa kakambal na lalake ay Denephew.” The doctor smiles, “Lumang joke na po yan, Misis.” The new mother smiles back, “Ganun ba? Eh anong pangalan ang ibinigay niya sa kambal kong anak?”

The doctor formally states, “Yung babae ay Charice.” The new mother is ecstatic, “At yung lalake kong anak, ano ang ipinangalan?’ Without batting an eyelash, the doctor declares, “Your brother named the girl Charice and he named the boy Chorizo.”

A small but superdog

MGA ARTISTAHING JOKES
Q: Sinong artista ang laging nakasuot ng National Attire?
A: Si Barong Geisler.

Q: Sinong singer ang pinakamalinaw kumanta?
A: Si Clear Dela Fuente.

Q: Sino ang Asia’s Songbird?
A: Si Regine Velasquez.
Q: Sino naman ang Asia’s Songbird’s bird?
A: Si Ogie Alcasid.

Q: Ano ang similarity ni Nino Muhlach, Snooky at Aiza Seguerra?
A: Pare-pareho silang mga sikat noong bata pa.
Q: Ano naman ang pagkakaiba ni Nino Muhlach kay Snooky at kay Aiza Seguerra?
A: Si Nino ay binata pa rin, si Snooky ay dalaga na ulit, si Aiza ay binatang taring

Q: Totoo bang si Toni Rose Gayda ng Eat Bulaga ay isa nang lawyer?
A: Totoo. Kaya nga ang tawag sa kanya ngayon ay Atoni Rose Gayda.

BANK HOLDUP
Holdup in a bank, isang matanda ang lumaban at nagapi ang mga holdaper. Sagot ng matanda sa tanong kung paano niya nagawa ang heroism, “Nag-flanax kasi ako.”

BINGI NGA SIGURO
Bata: Pabili nga po ng safeguard!
Tindera: Wag kang sisigaw. Anong palagay mo sa akin, bingi?
Bata: Sorry po. Eh pabili na nga po ng safeguard.
Tindera: Globe o Smart?
* safeguard daw po, sabon yung safeguard, hindi sim card noh!

SUWAIL NA ANAK
Nanay: Ubusin mo ang pagkain mo, ang daming nagugutom sa Africa. Anak: Pag inubos ko ba ito eh mabubusog yung mga nagugutom sa Africa?

Thursday, October 11, 2012

INTRODUCTORY Post

This blogsite aims to spread harmony thru clean humor.

However, contents of this blogsite are intended for Filipinos and other people who understand Tagalog or Filipino language.

Those wishing to communicate with the admin, please email sgrenada3@yahoo.com.

Happy reading!!!