WAHEEHEE

Tuesday, March 26, 2013

WAHEEHEE 016 - Holy Week 2013

Q: Ano ang kaibahan ng theater sa Ash Wednesday?
A: Sa theater ay may USHER samantalang sa Ash Wednesday naman ay may ASHER.

PASYON SA FB
Nang si Hudas ay mag-FB
Ang friends nya ay biglang dami
May sa gitna, may sa tabi
Naghihintay na umanggi
Ng silver coins na nasubi

Si Hestas na isang beki
Nakipag-chat dagli-dagli
At ang kanyang tinatangi
Si Caiaphas na maigsi
Four eleven ang height ngani.

Panay ang post ni Barabas
Ng picture nila ni Dimas
Natutuwa mga chikas
Sa kubikong nilang balbas
May muta pang naninigas.

Si Herodes umeekstra
Kay Pilato nangunguna
Obvious namang bading din sya
Kulot na hair, kitang-kita
May eyeliner pa ang mata.

Siyempre si Hudas ang bida
Kaya picture may post din siya
At shocking dahil nagbold pa
Naka-brief lang sa may kama
Walang nag-like kahit isa.

Sa jokes naman siya bumawi
Tanong kung sino ang pogi
Daming nag-like, daming ngiti
Sa picture ng feeling pogi
Dahil si Hudas ay bungi.

Ang silver coins na nakuha
Sa Lhuiller niya dinala
Diretso na sa dentista
Nagpagawa, alam mo na
Dyan natapos ang istorya.


Noon pa naimbento ang parasol a.k.a. payong a.k.a. umbrella

PASYON SA ELECTION
Sa dami ng kandidato
Mga tao’y nalilito
Kung sino ang iboboto
Para sa ating senado
Eto ang libreng payo ko.

Si Nancy ay hindi Hudas
Mestisa lang na humulas
Si Cynthia ang syang nadulas
Sa tanong na tungkol sa nurse
Pero sa survey tumaas.

Si Hontiveros bad shot daw
Sa team buhay magugunaw
Si Jack naman araw-araw
Sa session hall natutunaw
Dahil hindi na lumitaw.

Mabuti pa si Legarda
Tahimik lang nagbuburda
Environment ang linyada
Si Gringo ay limot ko na
Si Honasan, sino ba siya?

Si Trillanes ang tigasin
Manila Pen ang kubkubin
Si JV ay artistahin
Si Grace Poe ay ganun na rin
Parehong showbiz nanggaling.

Si Flash Gordon humahabol
Sa latest na election poll
Si Angara nasasapol
Ng team patay na ginahol
Sa Bacolod ng Bishop do’n.

Bobotante ang wika ko
Sa basta lang na boboto
Sikat lang na kandidato
Ang minamarkahan ninyo
Kaya bayan natatalo.

PASYON HALO-HALO
Sa Sabah ay nagsilusob
Kapagdaka ay nasubsob
At ceasefire ang inihandog
Na dinedma nitong bulldog
Ayaw nila ng mausog.

Kawawa nga itong si Chiz
Ang bida sa mga chismis
Ang binibyenan nainis
Sa good manners siya raw ay wiz
Porke’t amoy chicong panis.

Hindi baga nangunguna
Sa survey nitong Pulse Asia
Kaya si Chiz tinitira
Para abutan pa siya
Ng kalabang pumoporma.

Si Kris naman umeksena
May luha sa pag-cry cry nya.
Pagre-resign naging tema
Akala namin totoo na
Pa cry lang pala talaga.

Si James Yap ay kawawa rin
Kontrabida kanyang dating
Sa kanyang ex na iyakin
Meron ngang pa cry cry mandin
Adoption papers nang hingin.

Nang hindi nga pinagbigyan
Kaya nag-giyera mundial
Buti’t nandyan si Kapunan
Ang attorney nating bayan
Hindi iyakin, matapang.

Payong umbrella sa lahat
Mag-isip bago bumanat
Aregluhin bawat eklat
Iwasan ang maka-konyat
Para happy tayong halat.

Friday, March 15, 2013

WAHEEHEE 015

NEW POPE
Nagdiwang na ang mga tao sa Ghana para kay Peter Cardinal Turkson na inakala nilang first African Pope. At bakit? Dahil ang lumabas na usok daw sa chimney ng Vatican ay black so yun na ang simbolo ng first black pope.

Heavy favorite na maging next pope si Angelo Scola, ang archbishop of Milan, Italy. Kaso nag-lobby ang Coca Cola dahil hindi raw dapat maging pope si Scola. Lugi naman daw sila kung tatawagin siyang POPE SCOLA, di ba?

Ang nahirang na bagong pope ay si Pope Francis. Siya ay isang Argentinian na si Jorge Mario Bergoglio. Iisa lang daw ang baga (lung) ni Pope Francis kaya dapat mag-ingat siya sa physical exertion. Ok lang naman yun dahil wala naman siyang asawa at walang anak na papagalitan.

PURO PIES
Sa America ay meron silang apple pie. Sa Italy meron silang pizza pie. Dito sa Pilipinas meron naman tayong pamay pie. Mainit kasi eh.

MGA KASABIHAN
Ang animal lover daw ay hindi totoong makahayop at
Ang environmentalist ay hindi naman talaga makamundo.

MAR AT RAM
MAR: Hala, ano ang nangyari sa balat niya?
RAM: Eh kasi nagpabili siya ng glutathion para pumuti.
MAR: Para pumuti? Eh bakit umitim siya?
RAM: Eh kasi hindi glutathion ang nabili kundi malathion (insecticide)

MAR: May 3 ibon. Binaril ko at tinamaan ko ang isa. Ilang ang natira?
RAM: Luma na yan noh! Syempre walang natira kasi nalaglag ang tinamaan na isa tapos yung 2 naman lumipad.
MAR: Bakit lilipad?
RAM: Siyempre pag narinig ang putok lilipad yun.
MAR: Eh may silencer ang baril ko noh!

Ganyan ang pag-park para hindi magkakatamaan ng pintuan


COMIC SCRIPT: BADONG SA CARDINDERIA
Napusuan ni Badong ang sarciadong manok. At dahil maganda ang tindera kaya medyo pasosyal siya sa pag-order.
BADONG: Can I have one to that.
TINDERA: Sarciadong manok?
BADONG: Yes, chicken with sauce.
TINDERA: Anong parte ang gusto mo?
BADONG: Oh, maybe, ah, give me chicken leg only.

Naupo na si Badong at hinintay ang kanyang order. Eto na ang magandang tindera na dala ang isang platong kanin at isang platitong sarciadong manok.
BADONG: Hey, you! Wait a minute here.
TINDERA: Bakit?
BADONG: I am say to you chicken leg is the piece.
TINDERA: O, bakit mali ba?
BADONG: This is not chicken leg. This is chicken leeg!

DR. GLOBO: Dr. Globo Del Mundo is the know-it-all when it comes to World information, whatever that is. He answers questions of his radio listeners.

CALLER: Totoo po bang walang lamok sa malamig na lugar?
DR GLOBO: Totoo yan.
CALLER: Ano po ang patunay nyan?
DR GLOBO: Madali namang patunayan na walang lamok sa malamig na lugar. Buksan mo ang inyong refrigerator at sigurado akong wala kang makikitang lamok sa loob nun dahil malamig.
CALLER: Huh!

CALLER: Puwede pong isa pa?
DR GLOBO: Sige, ano pa ang tanong mo?
CALLER: Eh puwede po bang manawagan dahil nakapulot ako ng pera kanina.
DR GLOBO: Aba, ang bait mo naman pala. Sige, manawagan ka.
CALLER: Nananawagan po ako kung sino man ang may ari ng napulot kong pera ay tumawag lang kay Dr. Globo. Siya na po ang magbibigay ng phone number ko.
DR GLOBO: Teka, ano ba ang palatandaan ng napulot mo? Wallet ba o ano?
CALLER: Eh pera lang po na nasa envelope.
DR GLOBO: Walang marking ang envelope? CALLER: Wala pong nakasulat sa envelope.
DR GLOBO: Magkano naman ang lamang pera ng napulot mong envelope?
CALLER: Twenty po.
DR GLOBO: Twenty thousand?
CALLER: Twenty pesos.
DR GLOBO: Huh!