WAHEEHEE

Thursday, February 21, 2013

WAHEEHEE 014

TULA NG TULALA: RAIN, RAIN
Gusto kong magdilig pero ayaw akong payagan
Bawal bang magdilig kapag umuulan?
May bagong kapote at may payong naman
Bawal pa rin bang magdilig pag umuulan?
Eh ang didiligan ko po naman
Ay ang paso sa tabi ng palantsahan.

BLOGGER
Ang Bloggers ay mga writers sa internet. Sila ang katumbas ng mga columnists sa dyaryo.
Q: Ano ang tawag sa Bloggers na hindi totoo ang isinusulat?
A: Biloggers
Q: Eh ano naman ang mga Bloggers na parang walang nakikita?
A: Bulaggers yun.
Q: Ano ang tawag sa mga internet writers sa Africa?
A: Baluggers.
Q: Sino ang mga nanggugulat na Bloggers?
A: Mga Bulaggaers yun.

DIREK LABO
Habang naglalakad sa Maynila ay hindi maganda ang naramdaman ni Direk Labo. Humihilab ang kanyang tyan kaya binilisan ang lakad habang palinga-linga. Aba, suwerte naman at may malaking signboard sa bukana ng isang lumang building. Dali-daling pumasok si Direk Labo.
GUARD: Ano po yun, Sir?
DIREK: Eh, nasisi-CR na ko, lalabas na.
GUARD: Eh doon po kayo sa CR. Wag dito, Sir.
Itinuro ni Direk ang sign sa bukana….
DIREK: Ayan, ang linaw ng sinasabi ng sign ninyo – pataihan. So puwede akong tumae.
GUARD: Sir, patahian po ang nakasulat.
DIREK: Huh.

Mabuti na lang at nakapagpigil pa si Direk. Umabot din siya sa maayos na CR at maluwalhating nakapagluwal ng sama ng loob. Matapos muling maglakad ay nauhaw at nagutom si Direk Labo. Napahinto siya sa isang karinderya. Pero imbes na kumain ay tinawanan ang nagtitinda.
TINDERA: Bakit po parang nakakaloko ang tawa nyo?
DIREK: Eh kasi, nagtitinda pala kayo dito ng Iced Tae, hahaha.
Napailing ang Tindera at imbes na patulan ay umiling na lang. Basahin ba naman ng mali ang Iced Tea?


RIGHT LANE MUST STRAIGHT AHEAD? IF I DO NOT LIKE WHAT IS YOU DO THEN?

Q/A NA FLASHBACK
Q: Bakit umiyak si Pete?
A: Sinong Pete?
Q: Ah, sinumpit pala kaya siya umiyak.

Q: Bakit umuwi si Bong?
A: Sinong Bong?
Q: Ah, kaya pala umuwi eh sinumbong nyo pala si Bong.

Q: Bakit nawalan ng malay si Tok?
A: Sinong Tok?
Q: Ah, sinuntok pala kaya knock-out.

Q: Bakit daw nawala ng sampay ni Kit?
A: Sinong Kit?
Q: Ah, sinungkit pala ng magnanakaw ang sampay niya.

COMIC SCRIPT: JEEP RIDE NI BADONG
Nakasakay sa harap ng jeepney si Badong. Nasa pagitan siya ng driver at ng isang pasahero. Maya-maya ay bumaba na ang pasahero. Napangiti si Badong dahil puwede na siyang umupo sa bukana ng jeepney. Aba, inilabas pa ang isang paa at ipinatong sa gilid ng tuntungan ng jeep.

Hindi nagtagal ay eto na ang isang lalakeng sasakay. Pero hindi umusog si Badong dahil gusto niya talaga sa bukana at yung lalake ang sa loob. Pero hindi sumakay ang lalake. Biglang tumakbo ang lalake…. tangay ang relo ni Badong.

COMIC SCRIPT: FX RIDE NI BADONG
Mag-isa sa 2nd row si Badong. May sumakay na hitsurang marine – malaki ang katawan at mukhang palaban. Tumunog ang cel ni Badong. Napilitan siyang tingnan ang text. Matapos mag-reply ay napansin niyang nakatingin si Marine. Kinabahan si Badong. Paano kung tutukan siya ni Marine at kunin ang cel niya? Umusog ng konti si Badong para dumikit sa kaliwang pintuan. Malas naman dahil nakatali ang pintuan (bawal kasing buksan yun).

Ilang minuto pa ang nakalipas at nagulat si Badong nang bumunot si Marine. Wallet ang binunot. Kumuha ng pera at nagbayad sa driver. Tapos binilang ni Marine ang laman ng wallet niya. Mahigit 20,000 pesos na puro isang libong buo. Maya-maya ay inilabas ni Marine ang cel niya. Bagong model. Noon lang naisip ni Badong na kaya siya tinitingnan ni Marine ay dahil amused lang sa kalumaan ng celphone niya.

Friday, February 8, 2013

WAHEEHEE 013 - VALENTINE EDITION

VALENTINE SONG
Hindi baga maraming puso sa sagingan?
May puso ng saging at puso-pusuan.
Mayroong saba at meron ding latundan
Ngunit ang puson mo ang gusto kong tikman.

VALENTINE GIFTS
Ang pinakamabili…. Panty that eliminates odor
Ang isa pang pinakamabili…. Edible panty
Ang talagang gusto pag Valentine…. Walang panty

MGA ANAK NG KUWAN
Q: Ano ang tawag pag ang buntis ay 4 ang inanak?
A: Quadruplet.
Q: Ano ang tawag pag ang buntis ay 3 ang inanak?
A: Triplet.
Q: Eh kung 2 ang inanak?
A: Twoplet.

PS. Ang tawag ng mga komadrona kapag ang buntis at 2 ang anak…. maluwal-HATI.

TSINELAS O SINELAS
ANAK: Asan ba yung sinelas ko?
INA: Oy, anong sinelas? Tsinelas!
ANAK: Tsinelas.
INA: Ayan, ganyan para hindi ka bulol.
ANAK: Ayun pala sa ilalim ng tsopa ang tsinelas ko. Eh atsan naman kaya yung tsapatos ko? Yung tsapatos ko ang gusto kong itsuot eh.

MGA LABEL NG SASAKYAN
Soldier Of FURTUNE – jeepney NXY-121 in Ortigas Ave.
SUVINER – mini-truck BVR-783 in EDSA
EXTINCT taxi TWM-632 (bakit kaya Extinct ang name?)
GOD WILL ALWAYS SURVIVE – jeepney TYG-715
BARELEY HERE – taxi pwb 119 (Ortigas, Valle Verde)

MGA LOLO SA PAGKAIN
A: Yung lolo ko ang lakas kumain, kulang ang 5 plato.
B: Mas malakas kumain ang lolo ko, 10 plato.
C: Matindi ang lolo ko sa kainan, halos walang tigil sa pagkain.
A: Eh anong nangyari?
C: Ayun, namatay sa gutom.
B: Walang tigil ng kain ang lolo mo tapos namatay sa gutom?
C: Yung pamilya niya ang namatay sa gutom, inubos na kasi ng lolo ko ang pagkain.
Ang gusto ng babae ay ganitong kalaki ang puso ng kanyang boyfriend at ang gusto naman ng lalake ay ganyang kalaki ang ano.... ang pagmamahal sa kanya ng kanyang girlfriend

MGA LOLO SA SIGARILYO
A: Yung isang lolo ko ang lakas magsigarilyo, kulang ang 2 kaha.
B: Mas malakas magsigarilyo ang isa kong lolo, kulang ang 5 kaha sa maghapon.
C: Matindi sa sigarilyo ang isa kong lolo, walang hinto as in walang tigil.
A: Eh anong nangyari?
C: Ayun, namatay.
B: Dapat lang, namatay sa sakit?
C: Namatay sa gutom.
A: Puro sigarilyo kasi, wala nang kain.
C: Hindi, namatay sa gutom ang pamilya kasi hindi na makapagtrabaho, puro sigarilyo

PANGINGINIG NI LOLO
Nag-uusap ang 2 apo ni Andoy at Azon
APO 1: Nakita mo ba si Lola Azon? Nanginginig dahil sa rayuma.
APO 2: Si Lolo Andoy rin nanginginig.
APO 1: May rayuma rin si Lolo Andoy?
APO 2: Hindi rayuma. Nanginginig si Lolo Andoy kasi minamasdan si Inday na manipis ang suot habang nagwawalis sa backyard.

COMIC SCRIPT: BADONG AT PANYANG
PANYANG: Bakit kaya ganun? Dati karamihan ng boys mga pogi. Ngayon pag pogi bading naman.
BADONG: Bakit, ako? Hindi naman ako bading, a.
PANYANG: Hindi ka nga bading kaso hindi ka naman pogi noh!