WAHEEHEE

Saturday, November 24, 2012

WAHEEHEE 006

HEADLINES
Electrician, nakuryente. Buti na lang hindi namatay.

Tubero, nalunod sa poso negro. Buti na lang hindi namatay.

Sastre nagupit ang daliri. Buti na lang hindi namatay.

Doktor, nagkasakit. Buti na lang hindi namatay.

Bumbero, nasunog. Buti na lang hindi namatay.

Acrobat, nalaglag sa sahig. Buti na lang hindi namatay.

Witch, nakulam. Patay… ang nangkulam sa kanya.

MGA CEL
Q: Ano ang celphone na gamit ng isda?
A: SHELL PHONE
Q: Eh yung gamit ng mga dolphin at pating?
A: SEAL PHONE

Q: Anong celphone ang paborito ng mga Bicolano?
A: SILI PHONE yun.
Q: Eh teka, hindi ba’t ang sili phone ay….
A: SILLY PHONE naman yung gamit mo!

Q: Eto madali lang. Anong celphone ang gamit ng salesman?
A: Eh di SELL PHONE

Q: Eh yung kinaiinisan pag tag-ulan?
A: Oy, sipon yun noh!

The latest trending.... JUSTIN BIBE

MGA PAYONG UMBRELLA
Sagot sa nagrereklamo na tinutukso siyang duling – “Eh duling ka naman talaga, di ba?”

Sagot sa nagrereklamong tinutukso siyang ngongo – “Ma-it aman? Mali ma ngo?”

Sagot sa nagrereklamong nasasaktan siya pag tinawag na pangit – “at least honest ka, alam mong pangit ka.”

Sagot sa nagrereklamo na ayaw niyang tawagin siyang mataba – “Just imagine na para kang tinapay. Hindi monay at hindi rin ensaymada. Basta isipin mo na ikaw ay isang putok.”

Sagot kapag sinabihan kang malabo ang mata mo – “Ok lang malabo ang mata kesa naman malabo ang buhok.”

Dr. Globo Del Mundo is the know-it-all when it comes to World information, whatever that is. He answers questions from his radio listeners.

LOCAL HEROES FROM DR. GLOBO
Caller: Mayroon po bang anak si Andres Bonifacio?
Dr. G: Aba, meron. Katunayan may anak nga ang anak niya at nagkaanak din ang anak ng anak niya. Ang pangalan ng anak ni Bonifacio ay Junior. Ang anak ni Junior na apo ni Bonifacio ay pinangalanang The Third. Ang anak naman ni The Third na apo sa tuhod ni Bonifacio ay si The Fourth.
Caller: The Fourth Bonifacio? Parang pamilyar ang tunog, a.

Dr. G: Speaking of Fort Bonifacio, alam mo ba kung bakit maraming bata sa paligid ng Fort Bonifacio?
Caller: Eh bakit nga po?
Dr. G: Nasa Bibliya yan. Ang sabi ay “Go FORT and multiply!”

Friday, November 16, 2012

WAHEEHEE #005

MGA Q/A NA EWAN
Q: Ano ang tawag sa isang mestiso na naging negro?
A: DATI PUTI

Q: Ano ang tawag sa isang bakla na naging lalakeng muli?
A: Ano pa eh di BOY AGAIN.

MONGOLOID
Wag raw gagamitin ang word na Mongoloid dahil it is politically incorrect. Aba eh napansin nyo ba na puro keyboard na ang gamit ng mga tao? At bihira na ang gumagamit ng ball pen? At lalong kokonti na ang mga Mongoloids? Yan ang mga taong gumagamit ng pencil na Mongol, noh!

RELIGION
A: Pare, ano nga pala ang religion mo?
B: Ah, Sabadista ako, Pare. Sa aming relihiyon kasi ay bawal ang magtrabaho kung araw ng Sabado kaya Sabadista ang tawag sa amin.
A: Sa amin namang relihiyon ay bawal ang magtrabaho kung araw ng Linggo kaya ang tawag sa amin ay Linguista!

Note: Eh pag araw-araw ang trabaho, anong relihiyon? Hindi kaya SADISTA?

COMIC SCRIPT: MUSIC-MINDED
Sa isang bus na malakas ang stereo. Isang pasahero ang nakapansin sa magkatabing babae at lalaki. Tuwing tutugtog ng sweet ay humihilig ang ulo ng natutulog na babae sa katabing lalaki.

Pagbaba ng lalaki ay dali-daling umupo si Kulokoy sa tabi ng inaantok na babae. At hindi siya nabigo dahil pagtugtog ng sweet ay humilig sa kanya ang babae kaya kinikilig si Kulokoy.

Pagkatapos ng unang tugtog ang sumunod ay medyo mabilis, soundtrack ng pelikulang Rocky. Biglang gumalaw ang kamay ng babae at pinagsusuntok si Kulokoy.

Passfort daw? Hindi ba puwedeng Fastport para mabilis?

Dr. Globo Del Mundo is the know-it-all when it comes to World information, whatever that is. He answers questions of his radio listeners.

CALLER: Magandang gabi po. Puwede po bang makausap si Dra. Margie Holmes?
DR. G: Aba, teka, wrong number kasi program ito ni Dr. Globo.
CALLER: Wala ho ba talaga dyan si Dra. Margie Holmes?
DR. G: Hmm, medyo makulit ka ha? Wala si Dra. Holmes pero yung anak niya narito. Gusto mong kausapin?
CALLER: Sinong hong anak?
DR. G: Si Camilla.
CALLER: Camilla? Camilla Holmes? Parang pamilyar, a.

FLASHBACK: THE DEER HUNTERS
Nasa kagubatan ang magkumpareng Mon at Ram. Ang kagubatan na iyun ay kilala sa dami ng baboy-ramo o wild boar. After one day ay nakahalata si Mon na siya lang ang nakakabaril ng baboy-ramo at si Ram ay wala pang score.

MON: Pare, baka malabo na ang mata mo kaya hindi ka makatama.
RAM: Naku, pare, dyan ka nagkakamali. Nakikita mo ba yung langgam sa itaas ng puno na yun?
MON: Ha? Anong langgam?
RAM: Ayun sa dulo ng punong kawayan. Bakla yung langgam na yun, Pare. Kasi obvious sa paglakad niya, ayan, o, kumekendeng.

Napailing si Mon dahil obvious na iniiba ni Ram ang usapan.

MON: Sa totoo lang, Pareng Ram, wala ka pang nababaril na baboy-ramo.
RAM: Sige na nga, aaminin ko na. Baka dahil bago itong baril ko?

Dinampot ni Mon ang baril ni Ram at sinuri…

MON: Alam ko na ang problema. Itong baril mo ang may diperensya.
RAM: Bakit, anong problema dyan sa aking new gun?
MON: Eto, tingnan mo, ang linaw ng nakasulat, o. USA. Malinaw na para sa usa lang itong baril mo at malamang na hindi puwede sa baboy-ramo.

Saturday, November 10, 2012

WAHEEHEE #004

COMIC SCRIPT: MALABO ANG MATA
Scene 1:
Si Leo ay isang babaerong malabo ang mata. Dahil nawalan siya ng trabaho kaya siya on the lookout kung anuman ang puwede niyang pagkakitaan. Eto na at nakita ang “WANTED BARBERO” sign ng isang barbershop.

OWNER: Eh ilang taon ba ang experience mo sa panggugupit?
LEO: Pag-gupit?
OWNER: Oo, maggupit ng buhok syempre.
LEO: Eh hindi ako marunong maggupit ng buhok.
OWNER: Ha? Hindi ka marunong? Eh anong aaplayan mo dito sa barber shop ko?
LEO: Eh sabi kasi dun sa sign sa labas…. wanted babaero!!!

Scene 2:
Bigo sa barber shop kaya naglakad ulit si Leo. At humantong siya sa isang garments factory na may sign na “WANTED MANANAHI” kaya agad siyang nagtanong sa guard.

GUARD: May experience po ba kayo sa pananahi?
LEO: Pananahi? Aba, hindi ako marunong manahi.
GUARD: (kamot ulo) Eh bakit kayo mag-aaply dito?
LEO: Ayan ang sign, tingnan mo… wanted manlalahi.

Scene 3:
Another kabiguan si Leo walked away with drooping shoulders. But lo and behold, he chanced upon another garments factory. This time it was a lady guard manning the door with a sign that says “WANTED MANLILILIP.”

GUARD: May actual test ho rito ang paglilip.
LEO: Paglilip?
GUARD: Paglilip, opo, yung pagtahi ng laylayan ng pantalon.
LEO: Naku, hindi ako marunong tumahi ng laylayan.
GUARD: Eh bakit kayo narito?
LEO: Ayan ang sign, basahin mo…. wanted maninilip.

Note: Kung kayo ay babaero at malabo ang mata, mas makabubuti pang magpunta na sa Optometrist at magpagawa ng salamin. Kesa naman tubuan pa kayo ng kuliti.

Saan daw ang biyahe ng bus na yan?

HURRICANE SANDY
Ito na ang pinakamalakas na bagyong tumama sa East Coast ng USA. Sa North Carolina nakatira ang mga kapatid ko at ang balita sa akin ay hindi lang bubong ang natanggal sa kanila kundi pati pintura ng bahay ay natanggal rin!!!

SIBLING RIVALRY
Nag-aaway ang 2 magkapatid…
INA: Para kayong aso’t pusa.
ANAK: Bakit po, dahil lagi kaming nag-aaway?
INA: Hindi. Kasi ikaw amoy pusa at siya naman amoy aso.

ANG KAWAWANG COUPLE
A childless couple talking…
WIFE: Sa palagay mo, sino sa mga pamangkin natin ang mag-aalaga sa atin pagtanda natin?
HUSBAND: Alin sa dalawa, yung autistic o kaya yung may bipolar.

PUWEDE?
Nakabili si Sydney ng malaking lupain. Matapos bakuran, nilagyan niya ng malaking sign na nagsasabing “SYDNEY LAND.”

WALA YUN?
Bisita ni Bob si James. Papuntang kusina si James nang may marinig siyang ungol.

JAMES: Ano yung umuungol?
BOB: ‘La yun.

Diretso ng lakad si James papuntang kusina. Sandali lang at tumtakbong pabalik.

JAMES: Pambihira ka, sabi mo wala yun eh kinagat tuloy ako!
BOB: Anong wala yun? Sabi ko LION.

Friday, November 2, 2012

WAHEEHEE #003

BRACELET NI TIANG
BF sees GF holding a bracelet…
BF: Wow, bago yan, a. Sino may bigay?
GF: Hindi akin ito, sa auntie ko ito. Naiwan niya.
BF: Sinong auntie mo, yung mataba?
GF: Obvious ba?
BF: Obvious nga, ang laki ng bracelet na yan eh.
GF: Anong bracelet? Sinsing ni Auntie ito, noh!

BOOBY TRAPS NG MGA TIONG
JOJO: Pare ko, bilib ako sa Tiyo ko, siguro mga 100 boobs na ang nahawakan niya.
NICK: Bakit, saan ba siya nagtatrabaho?
JOJO: Manager kasi ng beerhouse iyon eh.
NICK: Mas magaling ang Tiyo ko, nakakahawak siya ng 50 boobs araw-araw, iba-iba pa ha?
JOJO: Bakit, doktor ba siya?
NICK: Hindi.
JOJO: Eh ano ba ang trabaho niya?
NICK: Cow-milker sa Dairy Plant!

* * *

JOJO: Bilib ako sa Tiyo ko, sobrang pagka-santo. Biruin mo, noong nabubuhay pa siya, isang boobs lang ang nahawakan niya, boobs ng asawa niya.
NICK: Mas santo ang Tiyo ko, noong nabubuhay pa siya, isang boobs lang ang nahawakan niya.
JOJO: Gaya-gaya ka naman eh.
NICK: Pero binata ang Tiyo ko hanggang mamatay.
JOJO: Eh hindi siya santo, nakahawak siya ng boobs pero wala naman siyang asawa.
NICK: Bakit, boobs ng nanay niya. Breast-fed kasi siya!
* Breast milk is best for babies

HINDI AKO BAKLA
JAMES: Pare, nagkabanggaan raw kayo kahapon ni Jasper?
JOHN: Oo, Pare. Tinawag niya kasi akong bakla.
JAMES: Tinawag kang bading? Sana sinapak mo.
JOHN: Ganun na nga. Sasapakin ko na talaga kaya lang bigla kong naalala yung…
JAMES: Alin?
JOHN: Yung mga kamay ko, bagong manicure nga pala.

Guess kung sila ay mga: A)Babae B) Binabae C) Lalake

COMIC SCRIPT: LAWAY
Scene 1: Hapon, sa loob ng isang bus. Nakaupo sa tabi ng bintana si Gardo (25), may bigote, katabi niya si Leandro (25), mataba at nakasalamin.

GARDO: Basta, ganito lang Leandro, ‘pag pangit, usog ka rito sa tabi ko pero ‘pag beauty, ipitin natin sa gitna.
LEANDRO: (Malakas na tawa) Sige, call.

Hihinto ang bus at aakyat si Patrice (20), sexy at naka-sleeveless na shirt. Uupo si Patrice sa gitna ni Gardo at Leandro. May tutunog na cellphone.

GARDO: Leandro, sa iyo ba ‘yung tumutunog?
LEANDRO: Aba, hindi ko dinadala ang cellphone ko, ang laki kasi at pati baterya ang laki rin, kasing-laki ng baterya ng motorsiklo.

Magkakatawan ang 2 lalake, mapapatingin si Patrice sa braso niya.

PATRICE: (Kay Gardo) Oy, mama, ano ba naman ang laway n’yo nag-eexcursion!
GARDO: Buti nang nag-eexcursion, Miss, para malibang kesa naman mapanis.

Mas malakas ang tawanan ng 2 lalake. Sisimangot si Patrice, diretso ang tingin.

Scene 2: Hapon pa rin at sa loob pa rin ng bus, dating puwesto pa rin sina Gardo at Leandro na panay ang tawanan at si Patrice ay nakahalukipkip at nakasimangot.

LEANDRO: Sabi nu’ng babae, ma-beauty, sagot ko naman ma-bote!
Malakas ang tawanan ng 2 lalake. Mapapatingin si Patrice sa shirt niya.
PATRICE: (Kay Gardo) Hoy, mama...
GARDO: O, ano, laway ko na naman? Sabing bayaan nating mag-excursion para malibang!
PATRICE: Excursion kung excursion kaso nagma-mounting climbing na eh.

Close up sa dibdib ni Patrice - ang laway sa bandang kaliwang dibdib.